Sinabi ni House majority leader Rudy Fariñas na kapag walang nagawang amyenda sa kasalukuyang batas ay tuloy na tuloy na ang Barangay at SK elections sa Oktubre ng kasalukuyang taon.
Inalerto rin ng opisyal ang Comelec na maging handa kung sakaling matuloy ang halalan sa nasabing panahon.
Ipinaliwanag rin ng mambabatas na may mga kasamahan na silang naghain ng panukala para sa postponement ng halalan sa Oktubre pero hindi pa ito natatalakay sa Mababang Kapulungan.
Nauna nang ipinag-utos ng pangulo ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections dahil sa paniniwalang umiikot ang drug money sa nasabing halalan kaya patuloy ang pamamayagpag ng droga sa halos ay 40-percent ng mga Barangay sa buong bansa.