Comelec pinaghahanda na ng Kamara para sa Brgy. at Sk elections

By Den Macaranas June 03, 2017 - 09:28 AM

Ibinabala ng isang opisyal ng Kamara na mayroon na lamang silang hanggang sa buwan ng Agosto para ma-amyendahan ang batas kaugnay sa pagkakaroon ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa bansa.

Sinabi ni House majority leader Rudy Fariñas na kapag walang nagawang amyenda sa kasalukuyang batas ay tuloy na tuloy na ang Barangay at SK elections sa Oktubre ng kasalukuyang taon.

Inalerto rin ng opisyal ang Comelec na maging handa kung sakaling matuloy ang halalan sa nasabing panahon.

Ipinaliwanag rin ng mambabatas na may mga kasamahan na silang naghain ng panukala para sa postponement ng halalan sa Oktubre pero hindi pa ito natatalakay sa Mababang Kapulungan.

Nauna nang ipinag-utos ng pangulo ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections dahil sa paniniwalang umiikot ang drug money sa nasabing halalan kaya patuloy ang pamamayagpag ng droga sa halos ay 40-percent ng mga Barangay sa buong bansa.

TAGS: barangay, comelec, rudy farinas, sk elections, barangay, comelec, rudy farinas, sk elections

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.