Alok na tulong ng NDFP sa paglaban sa terorismo dedma sa pangulo

By Den Macaranas June 03, 2017 - 09:23 AM

Inquirer file photo

Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng ilang emisaryo ng National Democratic Front na nakahanda na umano silang tumulong sa pamahalaan sa kampanya kontra sa mga terorista.

Sa kanyang pahayag mula sa Davao City, sinabi ng pangulo na itinuturing niyang sign of goodwill ang nasabing pahayag.

Pero nanindigan si Duterte na matutuloy lamang ang peace talk sa pagitan ng pamahalaan at komunistang grupo kung ibaba ng mga miyembro ng New People’s Army ang kanilang mga armas.

Sinabi pa ng pangulo na malamang ay napagtanto ng mga opisyal ng NDFP na magmumukha silang walang kwentang grupo kapag hindi sila sumali sa kampanya kontra sa terorismo.

Alam naman umano ng NDFP na mananalo pa rin ang pamahalaan sa huli sa pakikipaglaban sa mga kaaway ng estado.

Nauna nang nagbigay ng suporta sa anti-terror war ng pamahalaan ang Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberaration Front ilang araw makaraang maghasik ng kaguluhan sa Marawi City ang pinagsanib na pwersa ng Abu Sayyaf Group at Maute terror  group.

TAGS: Abu Sayyaf, amute, duterte, npoa, Terrorism, Abu Sayyaf, amute, duterte, npoa, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.