Daan-daang mga evacuees nagkakasakit na sa Marawi at Iligan City

By Den Macaranas June 03, 2017 - 09:21 AM

Iniulat ng Department of Health na umaabot na sa 200 katao ang may sakit sa mga evacuation centers sa Iligan City at Lanao del Norte.

Pero tiniyak ni Health Sec. Jean Ubial na sapat naman ang mga gamot para sa mga ito na kasalukuyang nanunuluyan sa 30 evacuation centers sa ilang mga Barangay sa Cagayan de Oro at Iligan City.

Kabilang sa mga may sakit ay dumaranas ng diarrhea, acute gastroenteritis, dermatitis, lagnat at hypertension.

Kaugnay nito ay kaagad rin na ipinag-utos ni Ubial ang pagpapadala ng mga malilinis na inuming tubig para matiyak ang maayos na kalagayan ng mga evacuees.

Itinaas na rin sa code red ang alert level sa lahat ng mga pagamutan sa Marawi at kabuuan ng Lanao del Sur.

Tiniyak rin ng opisyal ang kaligtasan ng mga ospital ng pamahalaan sa pamamagitan ng deployment ng mga tauhan ng AFP at PNP sa nasabing mga lugar.

TAGS: evacuation centers, Iligan City, marawi, ubial, evacuation centers, Iligan City, marawi, ubial

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.