Iba’t ibang bansa, naglabas ng travel advisory sa Metro Manila

By Kabie Aenlle June 03, 2017 - 06:19 AM

REM ZAMORA/INQUIRER

Sunud-sunod na naglabas ng travel advisories ang iba’t ibang bansa matapos ang pag-atake sa Resorts World Manila kahapon kung saan 38 ang kumpirmadong nasawi.

Sa inilabas na advisory ng US Embassy, pinaalalahanan nila ang kanilang mga mamamayan dito sa bansa na maging maingat at mapagmatyag sa kanilang kapaligiran.

Pinayuhan rin nila ang mga ito na tawagan o ipaalam sa kanilang mga kaanak at malalapit na kaibigan na sila ay ligtas.

Nagpaabot rin ng pakikiramay si US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa mga mahal sa buhay ng mga biktimang nasawi sa pag-atake.

Gayundin si United Kingdom Ambassador to Manila Asif Ahmad, kasabay ng pagtitiyak na walang nasaktang Briton sa insidente.

Sinabihan niya rin ang kanilang mga mamamayan na narito sa Pilipinas na umiwas muna sa lugar kung saan nangyari ang insidente at sumunod sa mga otoridad.

Sa mga travel alerts naman ng Australia at Canada, pare-pareho nila ring pinag-iingat ang kanilang mga mamamayan at pinaalalahanan tungkol sa posibleng mas mahigpit na seguridad partikular sa Metro Manila.

Nagpahayag rin ng kanilang kalungkutan sa nangyari sina Australian Ambassador Amanda Gorely at Japanese Ambassador Kazuhide Ishikawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.