Airstrikes sa Marawi, tuloy pa rin

By Kabie Aenlle, Ricky Brozas June 03, 2017 - 05:52 AM

Sa kabila ng aksidenteng pagkakasawi ng 10 sundalo noong Miyerkules, desidido ang militar na ipagpatuloy ang pagsasagawa ng airstrikes sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, inialis muna nila sa battle zone ang mga tauhang nasangkot sa insidente habang iniimbestigahan pa ang mga nangyari.

Ito ay upang maisailalim muna ang mga sundalo sa debriefing at counseling.

Gayunman, sinabi ni Padilla na hindi ito dahilan para suspindehin ang airstrikes, bagkus ay ipagpapatuloy pa nila ito.

Samantala, aminado naman si Padilla na hindi talaga nila kinayang wakasan ang bakbakan sa Marawi kahapon, alinsunod sa deadline ni Defense Sec. Delfin Lorenzana.

Aniya, nasa mga ground commanders pa rin ang huling desisyon kung maari na bang itigil ang mga operasyon.

Sa ngayon hindi pa aniya talaga ito posible dahil hindi pa naman nila tuluyang naki-clear ang buong Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.