PNP, may hawak na person of interest sa Resorts World attack

By Kabie Aenlle June 03, 2017 - 05:51 AM

Hawak na ng mga pulis ang isang “person of interest” sa pag-atake sa Resorts World Manila kahapon.

Ayon kay Southern Police District (SPD) Chief Supt. Tomas Apolinario, nahanap nila ang naturang person of interest sa pamamagitan ng resibo at rehistro ng sasakyan na ginamit ng gunman sa pagpunta sa resort-casino.

Aniya, inalam na nila ang pagkakakilanlan ng suspek pati na ang address nito.

Bumalik pa aniya ang person of interest sa Resorts World, at inamin na naroon nga siya noong gabing nangyari ang insidente ngunit iginiit na hindi niya kilala ang suspek.

Sa ngayon ay hindi pa nila tiyak kung ano ang naging silbi nito sa pag-atake, kaya nananatili lang itong person of interest at hindi suspek.

Patuloy na muna aniya nilang isasailalim sa imbestigasyon ang person of interest.

Samantala, itinanggi naman ni Apolinario na madalas magsugal doon ang suspek, dahil sinabi ng mga opisyal ng Resorts World na ito ang unang beses na nakita nila ang lalaki.

Hindi pa naman nila matukoy kung talaga ngang isang dayuhan ang suspek, kasabay ng paggiit na wala talagang kinalaman sa terorismo ang pag-atake.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.