DepEd, may paalala sa mga public school para sa nalalapit na pasukan
Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) sa lahat ng mga opisyal ng mga pampublikong opisyal na wala silang dapat singilin mula sa mga magulang sa unang araw ng klase sa Lunes.
Ito kasi ang nagiging dahilan kung bakit may mga estudyanteng hindi na pinapapasok sa paaralan.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mayroong listahan ang DepEd ng mga pinapayagang kontribusyon sa mga public schools.
Gayunman, iginiit ni Briones na pawang “voluntary” dapat ang pagbabayad ng mga magulang sa mga kontribusyon, at hindi ito maaring gawing compulsary.
Ipinaalala rin ng kalihim na hindi mandatory para sa mga estudyante ng public school para magsuot ng uniporme.
Sagot din aniya dapat ng paaralan ang pagbibigay ng ID sa mga estudyante, gamit ang pondo nito para sa maintenance at iba pang operating expenses.
Sa tantya ng DepEd, hihigit pa sa 22.8 milyon ang mga etudyanteng inaasahang papasok sa nasa 46,700 na public elementary at high schools sa Lunes.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.