Lokal na pamahalaan ng Pasay City, nanawagan sa publiko na maging kalmado

By Cyrille Cupino June 02, 2017 - 08:04 PM

Nanawagan sa publiko ang lokal na pamahalaan ng Pasay City na manatiling kalmado at alerto kasunod ng naganap na insidente sa Resorts World Manila.

Ayon kay Mayor Antonio ‘Tony’ Calixto, makikipag-tulungan sila sa Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at mga otoridad kaugnay ng naturang trahedya.

Hinimok rin ni Calixto ang publiko na dumulog sa mga otoridad kung may impormasyon na makatutulong sa imbestigasyon.

Nag-alay naman ng dasal at pakikiramay ang Pasay City para sa pamilya ng mga nasawi sa malagim na trahedya.

Tiniyak ni Mayor Calixto na ginagawa nila ang lahat upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.

TAGS: Pasay City, resorts world manila, Pasay City, resorts world manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.