Mga kaanak ng mga nasawi sa Resorts World Tragedy, dumating na sa Veronica Memorial Chapel

By Cyrille Cupino June 02, 2017 - 05:17 PM

Kuha ni Cyrille Cupino

Aabot na sa mahigit 50 kaanak ng mga nasawi sa Resorts World Tragedy ang dumating sa Veronica Memorial Chapel sa Pasay City.

Kuha ni Cyrille Cupino

Sunod-sunod na dumating ang mga kaanak, sakay ng mga shuttle service ng hotel-casino.

Emosyonal ang mga kaanak na ilang oras nang naghihintay na makita ang kanilang nasawing mahal sa buhay.

Pinaghihintay sa isang holding room sa lobby ng punerarya ang mga kaanak ng mga nasawi.

Kuha ni Cyrille Cupino

Karamihan sa mga dumating ay mga Pinoy, na posibleng kamag-anak ng mga nasawing empleyado, habang ilan naman ay Koreano at Chinese, at ilan ay mga Caucasian-looking.

Nagbibigay rin umano ng libreng shuttle service ang Resorts World sa mga pamilya na nais pumunta dito sa Veronica upang makita kung narito ang labi ng kanilang kaanak.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: hotel-casino, mga kamaganak, mga nasawi, Pasay City, resorts world manila, Shuttle Service, Veronica Memorial Chapel, hotel-casino, mga kamaganak, mga nasawi, Pasay City, resorts world manila, Shuttle Service, Veronica Memorial Chapel

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.