Mas mabigat na parusa laban sa mga mambabatas na pala-absent, iginiit ng kapwa nila kongresista
Iginiit ni Dasmarinas City Rep. Elpidio Barzaga na napapanahon nang makatikim ng pagkastigo, suspensyon o expulsion ang mga kongresista na tamad na dumalo sa mga sesyon.
Ito’y sa gitna pa rin ang problema ng Kamara sa pagbuo ng quorum.
Ayon kay Barzaga, tila hindi kuntento ang marami sa nauna niyang suhestiyon na ‘no work, no pay’ para sa mga house member na absenero.
Kaya naman, sa drastic circumstance gaya ng kawalan palagi ng quorum sa plenaryo, kailangan aniya ng drastic action para madisiplina ang mga Kongresista at maresolba ang suliranin sa absenteeism.
Inirekumenda naman ni Barzaga sa House Committee on Rules na pinamumunuan ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na magpatibay ng rules and regulations para sa posibleng parusa sa mga Kongresista na pala-absent sa plenaryo.
Puwede aniyang idaan sa konsultasyon upang maitakda ang absences na may katapat na parusa, tulad nga ng pagkastigo, suspensyon o pagkakasibak bilang miyembro ng Mababang Kapulungan.
Punto pa ni Barzaga, kung sa mga paaralan at opisina, pribado man o sa gobyerno, pinaiiral ang disiplina, wala aniyang rason ang Kamara para ipatupad din ang disiplina./ Isa Avendaño-Umali
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.