Ayon kay Sen Gatchalian, tanging mga taong wala sa wastong pag-iisip ang sasamantalahin ang sitwasyon sa Mindanao at magpanggap na konektado sa ISIS o Maute.
Paliwanag ni Gatchalian, malinaw na nag-ugat sa problema sa sugal at pera ang insidente na ikinamatay ng 37 kabilang ang suspek at ikinasugat nang 54 pang mga biktima.
Kaugnay nito, umapela si Gatchalian sa mga establisiyemento na mas maging mahigpit sa kanilang pagbabantay at tiyakin na gumagana ang CCTV at maging alerto sa anumang kahina hinalang kilos.
Giit ng senador, dapat na gawin nang mga establisimiento ang kanilang obligasyon na pangalagaan ang kaligtasan hindi lamang ng kanilang mga parokyano kundi maging ng publiko sa pangkalahatan.