Publiko, pinakakalma sa kabila ng nangyari sa Resorts World Manila
Hinimok ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang publiko na mamuhay ng normal at huwag matakot sa kabila nang nangyari sa Resorts World Manila kung saan 37 katao na ang nasawi.
Ayon kay AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla, dapat na maging kalmado, logical at hindi mag over react ang publiko.
Sinabi naman ni NCRPO Director Oscar Albayalde na walang kaugnayan ang nangyari sa Resorts World sa terorismo.
Hinikayat naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na maging mapanuri sa pagshi-share ng mga pekeng balita at impormasyon lalo na sa social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.