Sunog sa Resorts World Manila, kontrolado na; 19 kumpirmadong sugatan

By Kabie Aenlle June 02, 2017 - 06:53 AM

Kuha ni Jay Dones

Bagaman nagpapatuloy pa rin, kontrolado na ang sunog sa itaas ng Maxims Hotel na bahagi ng Resorts World Manila.

Naitala ang first alarm kaninang 12:53 ng hatinggabi, at hanggang ngayon ay nakikita pa rin ang usok na lumalabas mula sa gusali.

Matatandaang sinunog ng suspek ang mga gaming tables sa casino nang nakawin niya ang mga chips gamit ang isang litrong gasolina na dala nito sa loob.

Samantala, hindi bababa sa labingsiyam na katao naman ang nasugatan dahil sa pag-atake ang dinala sa Villamor Air Base.

Pawang mga nasugatan dahil sa stampede, pagtalon sa gusali at mga na-suffocate ang mga dinala doon.

Ayon pa sa otoridad, dinala ang ibang nasugatan sa San Juan De Dios Hospital, habang ang iba naman ay sa Airport General Hospital.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.