Ayon sa DepEd, naaprubahan ang request ng mga paaralan para batay sa umiiral na guidelines ng Kagawaran.
Ang naturang bilang ay katumbas ng walong porsiyento ng kabuuang bilang ng mga pribadong paaralan sa buong bansa.
Sa Metro Manila, nasa 182 paaralan sa high school at elementarya ang inaasahang magtataas ng matrikula, na sinundan ng Davao-154 school, Central Luzon-104 schools, at Bicol regional na may 101 na private elementary at high school na magpapatupad ng tuition fee increase.
Paliwanag ni DepEd Secretary Leonor Briones, karamihan sa mga paaralang humiling ng tuition increase ay pawang mga maliliit na eskwelahan at nangangailangan ng dagdag na pera upang ipambayad sa mga suweldo ng kanilang mga guro.