Tax Reform Package, negatibo ang epekto sa mga mahihirap-Angara
Pawang mga ordinaryong tsuper at mahihirap pa rin umano ang tatamaan ng pinagtibay na Tax Reform Package ng Duterte administration.
Ayon kay Senador Sonny Angara, Chairman ng Senate Committee on Ways and Means, sa ilalim ng pinagtibay na panukala ng Kamara, ibababa ang income tax o libre na sa buwis ang mga empleyado na
sumusweldo ng hindi tataas sa 250 thousand pesos kada taon.
Kasabay naman nito, ang pagtaas ng Excise Tax o papatawan ng anim na pisong dagdag na buwis ang kada litro ng mga produktong petrolyo kasama na ang dagdag na buwis sa mga bibili ng mga bagong sasakyan.
Giit ni Angara, inaasahan nang magkakaroon ito ng ‘domino effect’ na nangangahulugang tataas ang presyo ng mga bilihin at mga serbisyo.
Dahil dito, paag-aaralan muna aniyang mabuti ng senado ang panukala kasabay nang pagtitiyak na kung magpapasa sila ng Tax Reform Package dahil siguradong hindi ito tutugma sa bersyon ng Kamara.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.