Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, hindi na muna sila papayagang magpalipad ng anumang eroplano habang ginagawa ang imbestigasyon.
Samantala, nirerebyu na ng ground commanders ang standard operating procedure sa pagsasagawa ng airstrike sa Marawi City laban sa Maute group.
Ito ay matapos sumablay ang airstrike kahapon ng Philippine Air Force kung saan labing isang sundalo ang nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kinakailangan na busisiin muna ang mga procedure para maiwasan na ang kahalintulad na aksidente.
Inamin ni Lorenzana na nilimitahan na ngayon ng ground commanders ang pagsasagawa ng airstrike.
Ayon kay Lorenzana, isa sa mga pinag-aaralan ngayon ay suspendihin na ang airstrike lalo’t nagdagdag pa ang pwersa ng pamahalaan sa Marawi na tutugis sa Maute group.