Pilotong nagbagsak ng bomba sa tropa ng sundalo, grounded muna

By Chona Yu June 02, 2017 - 06:17 AM

Grounded na ang piloto ng SF-260 na eroplano na nagkamali sa pagbagsak ng bomba sa Marawi City dahilan kung kaya natamaan at napatay ang labing isang sundalo at nasugatan ang pitong iba pa Huwebes ng hapon.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, hindi na muna sila papayagang magpalipad ng anumang eroplano habang ginagawa ang imbestigasyon.

Samantala, nirerebyu na ng ground commanders ang standard operating procedure sa pagsasagawa ng airstrike sa Marawi City laban sa Maute group.

Ito ay matapos sumablay ang airstrike kahapon ng Philippine Air Force kung saan labing isang sundalo ang nasawi habang pitong iba pa ang nasugatan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kinakailangan na busisiin muna ang mga procedure para maiwasan na ang kahalintulad na aksidente.

Inamin ni Lorenzana na nilimitahan na ngayon ng ground commanders ang pagsasagawa ng airstrike.

Ayon kay Lorenzana, isa sa mga pinag-aaralan ngayon ay suspendihin na ang airstrike lalo’t nagdagdag pa ang pwersa ng pamahalaan sa Marawi na tutugis sa Maute group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.