2 turistang Hapon, nawawala sa Coron, Palawan

By Rod Lagusad June 01, 2017 - 09:18 PM

Dalawang turistang Hapon ang naitalang nawawala sa Coron, Palawan noong Martes, May 30 ayon kay Police Senior Inspector Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office.

Nakilala ang dalawang turistang na sina Itani Masaru, 59 taong gulang at Arai Yoshihiro, 24 taong gulang base sa record ng Coron Municipal Police Station.

Ayon sa ulat, umalis ang dalawa sa kanilang hotel para mag-island hopping at sumakay sa motor banca na pagmamay-ari ng isang Dondon Suangco ng Sitio Lulu sa Brgy. Binudac sa bayan ng Culion.

Iniulat ng staff ng hotel ang naturang insidente sa Coron Municipal Police Station bandang 3 pm kahapon ng May 31.

Sa kasakukuyan, kinumpirma ni Ramos na hindi pa nakakabalik sa GMG Hotel, ang hotel na tinutuluyan ng dalawang turista.

Kaugnay nito, natutulungan na ang pulisya, local government unit at Coast Guard para sa sa isasagawang search and rescue operation sa dalawang nawawalang turista.

TAGS: Coron, japanese, missing, Palawan, Coron, japanese, missing, Palawan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.