Sa talumpati ng pangulo sa oathtaking ng mahigit isandaang bagong appointee sa pamahalaan ay sinabi nito na nagamit lamang ng international terrorist group ang magkapatid na Abdullah at Omar Maute na nagtungo pa ng Libya.
Noon pa man ayon sa pangulo ay naamoy na niya na may malaking plano ang ISIS sa pilipinas nang gawing emir si Isnilon Hapilon sa Central Mindanao.
Naghahanap na kasi aniya ng bagong teritoryo ang ISIS at isa ang Pilipinas sa kanilang naging puntirya.
Sinabi pa ng pangulo na bukod sa international terrorist group ang operasyon ng ilegal na droga rin ang nagpopondo sa Maute at sa ISIS.
Samantala aminado naman si Defense Secretary Delfin Lorenzana na naubusan na ang Philippine Air Force ng precision guided ammunitions kung kaya gumamit na lamang ang mga piloto ng conventional bomb sa Marawi City laban sa Maute group.
ayunman, sumablay ang bombang pinakawalan ng SF-260 Marchette light aircraft na gawa sa Italy kung kaya tinamaan ang mga sundalo na ikinasawi ng labing isa at ikinasugat ng pitong iba pa.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Lorenzana na dahil sa conventional bomb na ang ginamit ng mga piloto, kapag
Umapela rin ang opisyal na hintayin na muna ang magiging resulta ng imbestigasyon ng binuong board of inquiry bago maglabas ng mga pahayag ukol sa pangyayari.