Board of inquiry binuo para imbestigahan ang sablay na air strike sa Marawi City

Inquirer photo

Inatasan na ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año ang AFP Inspector General na bumuo ng board on inquiry na mag-iimbestiga sa pagkasawi ng labingisang sundalo at pagkasugat ng pitong iba pa matapos magsagawa ng airstrike ang Philippine Air Force kahapon sa Marawi City.

Sinabi ni Año na si Major General Rafael Valencia ang magsisilbing pinuni ng board of inquiry.

Ayon kay Año, pinag-aaralan na ng kanilang hanay na huwag nang gunamit ng SF-260 na eroplano pero depende pa ito sa resulta ng gagawing imbestigasyon.

Gayunman sinabi ni Año na tuloy pa rin ang paggamit ng air at naval assests ng militar para tuluyang mapulbos ang Maute group.

Nakalulungkot ayon kay Año na nangyari ang naturang aksidene.

Masakit aniya sa damdamin at hindi naman ito ginusto ng militar.

Tiniyak ni Año na hindi na mauulit ang naturang insidente.

Kasabay nito tiniyak ni Año na kaisa ang kanilang hanay sa pagdadalamhati ng pamilya ng labingisang sundalo na nasawi sa air strike.

Read more...