Biazon: Sisihan sa sumablay na air strike sa Marawi City dapat iwasan
Hinikayat ngayon ni House Defense Committee Senior Vice Chairman Ruffy Biazon ang pamahalaan na iwasan ang sisihan sa friendly fire sa Marawi City na ikinasawi ng labingisang militar.
Sinabi ni Biazon na mas mainam na tutukan muna ngayon ng gobyerno ang kinakailangang adjustment sa kanilang taktika kasunod ng insidente at ipagpaliban na muna ang pagtukoy sa may kasalanan.
Kasabay ng pahayag ng kalungkutan sa pangyayari aminado si Biazon na hindi ito maiiwasang mangyari dahil sa urban close quarter combat na ang nangyayari.
Iginiit ni Biazon na kumplikado ang airstrike dahil maraming factors upang ito ay maging matagumpay o kaya naman ay sumablay.
Sinabi ng mambabatas na ito ang dahilan kung bakit madalas ang pagsasanay sa ibang bansa ng mga sasabak sa airstrike.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.