Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Edgar Arevalo, sa nasabing bilang, 120 dito ay mula sa hanay ng Abu Sayyaf at Maute members.
Sa panig naman aniya ng gobyerno, nasa dalawampu’t lima na ang nasawi at labing siyam naman sa mga sibilyan.
Dagdag pa ni Arevalo, aabot naman sa 966 na sibilyan ang nailigtas na mula sa bakbakan habang 98 naman na high-powered firearms ang narekober sa mga bandido.
Sinabi din ng opisyal na mayroon pang ilang lugar sa Marawi ang hawak pa rin ng Maute, at patuloy na nilalabanan ang mha sundalo at pulis na pumapasok.
Una nang sinabi ni AFP na nasa 90 porsyento na ng Marawi ang kanilang nabawi mula sa teroristang grupo.
Kanina lamang ay nasawi naman ang sampung sundalo dahil sa air strike na inilunsad ng militar sa Marawi.
Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na posibleng nagkaroon ng hindi maayos na koordinasyon sa paglulunsad ng air strike.