Death toll sa Marawi siege, umabot na sa 164

By Mariel Cruz June 01, 2017 - 02:01 PM

Pumalo na sa 164 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Col. Edgar Arevalo, sa nasabing bilang, 120 dito ay mula sa hanay ng Abu Sayyaf at Maute members.

Sa panig naman aniya ng gobyerno, nasa dalawampu’t lima na ang nasawi at labing siyam naman sa mga sibilyan.

Dagdag pa ni Arevalo, aabot naman sa 966 na sibilyan ang nailigtas na mula sa bakbakan habang 98 naman na high-powered firearms ang narekober sa mga bandido.

Sinabi din ng opisyal na mayroon pang ilang lugar sa Marawi ang hawak pa rin ng Maute, at patuloy na nilalabanan ang mha sundalo at pulis na pumapasok.

Una nang sinabi ni AFP na nasa 90 porsyento na ng Marawi ang kanilang nabawi mula sa teroristang grupo.

Kanina lamang ay nasawi naman ang sampung sundalo dahil sa air strike na inilunsad ng militar sa Marawi.

Sinabi ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na posibleng nagkaroon ng hindi maayos na koordinasyon sa paglulunsad ng air strike.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.