Duterte, sususpindehin ang writ of habeas corpus sa Visayas kapag umabot na ang gulo sa rehiyon

By Mariel Cruz June 01, 2017 - 09:48 AM

Posibleng suspindehin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang privilege of the writ of habeas corpus sa Visayas sakaling umabot na ang kaguluhan na nagaganap sa Marawi City sa rehiyon.

Sa talumpati sa 119th founding anniversary ng Philippine Navy, sinabi ni Duterte na umaasa siyang magiging aral para sa mga militanteng Islamists ang pagpatay sa mga miyembro ng Abu Sayyaf fighters na sumalakay at nagplano na maghasik ng karahasan sa Bohol.

Matatandaang noong April 10, nagkaroon ng plano ang ilang Abu Sayyaf members na pangingidnap at paghahasik ng terorismo sa Bohol, pero napigilan ito ng militar matapos mahuli ang mga bandido.

Nababahala si Pangulong Duterte na maaaring umabot sa Visayas ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute terror group na nagaganap sa Marawi.

Handa aniya siyang suspindehin ang writ of habeas corpus sa Visayas bilang bahagi ng precautionary measures.

Sa pinakahuling bilang ng Armed Forces of the Philippines, pumalo na sa 129 ang death toll sa patuloy na bakbakan sa Marawi City.

Sa naturang bilang, 69 na ang nasawi mula sa hanay ng Maute terror group.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.