Ang mga biktima ay isang Saudi national at isang Palestinian national.
Ayon kay Talal al-Maiman, CEO ng Kingdom Holding at Chairman ng Kingdom Schools na siyang nag-o-operate sa naturang paaralan, ang naturang pamamaril ay kaso ng isang ‘disgruntled employee’ o galit na empleyado.
Aniya, matagal nang na-dismiss o natanggal sa eskwelahan ang Arab national na suspek dahil sa anger issues at unstable personality nito.
Maswerte namang wala pang estudyante sa loob ng paaralan nang maganap ang pamamaril.
Kaugnay nito, ipinahayag ng tagapagsalita ng Interior Ministry ng nasabing bansa na ang insidente ay isang “criminal case” at maglalabas ng statement ang Riyadh Police para sa karagdagang detalye.