Liza Soberano sabak agad sa physical training para sa ‘Darna’

By Jay Dones June 01, 2017 - 04:17 AM

 

Sabak agad sa gym ang aktres na si Liza Soberano matapos ang opisyal na anunsyo na siya na ang gaganap na susunod na ‘Darna’sa isang bagong pelikula.

Sa Instagram post ng kanyang fitness instructor na si Bok Santos, makikita ang matinding pag-eensayo at paghahanda ng aktres para sa kanyang susunod na role bilang isang Pinay superhero.

Ayon kay Liza, nais niyang maging ‘physically strong’ para sa naturang proyekto.

Hiling pa nito, kung maari ay siya mismo ang gumawa ng kanyang sariling stunts.

Bukod sa physical training, dadaan din ang aktres sa dialogue workshops bilang paghahanda sa kanyang ‘Darna’ character.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.