90 patay, 400 sugatan sa truck na pinuno ng pampasabog sa Kabul, Afghanistan

By Jay Dones June 01, 2017 - 04:18 AM

 

Umakyat na sa 90 ang namatay sa pinakabagong insidente ng suicide bombing malapit sa diplomatic sector sa bayan ng Kabul, sa Afghanistan.

Bukod sa mga nasawi, tinatayang hindi bababa sa 400 pa ang nasugatan sa itinuturing na pinakamalalang insidente ng terror attack sa kapitolyo ng Afghanistan sa kasalukuyan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Kabul police, hinihinalang isang water delivery truck na pinuno ng mga pampasabog ang ginamit ng suicide bomber na pinasabog sa gitna ng rush hour traffic.

Pinasabog ng mga terorista ang truck bomb may 400 metro ang layo mula sa Zanbaq Square malapit sa German embassy at Afghan presidential palace.

Napigilan lamang na makalapit sa loob ng diplomatic district ang truck kung saan makikita ang iba pang embahada nang harangin ito ng military convoy.

Sa mga video na lumutang matapos ang pagsabog, makikita ang maraming mga biktima na puno ng dugo at mistulang wala pa sa sariling naglalakad at tumatakbo bula sa pinangyarihan ng insidente.

Kabilang sa mga nasawi ang driver ng BBC network samantalang nasugatan naman ang apat pa nitong mamamahayag na nakabase sa Kabul.

Mariin namang itinanggi ng Taliban na sila ang pasimuno ng suicide bombing.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.