Tinutukoy ng UP ang impormasyon sa ‘Wanted’ poster na inilabas ng FBI kay Hapilon na nagsasabing nagtapos ito sa School of Engineering ng UP na mariing itinanggi ng pamunuan nito.
Sa statement na inilabas ni UP vice president for public affairs Jose Y. Dalisay Jr., isinasaad na walang nagngangalang Isnilon Totoni Hapilon sa sa records ng Office of the University Registrar ng UP.
Samantala, sa records na hawak naman ni Gov. Mujiv Hataman ng ARMM, na taliwas sa nailathala sa ‘wanted’ poster ng FBI, isang high school dropout si Hapilon at hindi UP Engineering gradute.
Si Hapilon aniya ay hindi nakatapos ng second year nang ito ay pumasok sa Basilan National High School, ayon sa records nito mula sa naturang paaralan.
Misteryo aniya para sa kanila kung saan kinuha ng US intelligence ang impormasyong UP gradute ang Abu Sayyaf leader.
Si Hapilon ay may patong na limang milyong dolyar sa ulo dahil sa pagkakasangkot sa pagkidnap at pagpatay sa isang US citizen.
Ito rin ang sinasabing naging target ng operasyon ng militar sa Marawi City ngunit humantong sap ag-okupa ng Maute terror group sa lungsod.