‘Martial law cartoons’ ng PCOO, inulan ng batikos ng netizens
Umani ng batikos muli ang tanggapan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) matapos itong magpalabas ng isang video clip na nagbibigay suporta sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.
Sa naturang animated video na may habang 36 na segundo, ang isang batang lalake na may hawak na kalasag na may mga katagang “martial law”.
Hinaharang nito ang grupo ng mga armadong ‘anino’ na sumisimbolo umano sa mga grupo na nais na ‘sirain’ ang kalayaan at kapayapaan sa bansa.
Sa background maririnig ang voice over na nagsasabing “martial law should be the rule of the land. At Martial law, Now.”
Matapos ilabas sa kanilang mga social media accounts, inulan ng mga batikos ang PCOO kaya’t mabilis rin itong inalis ng tanggapan.
Gayunman, marami nang netizens ang naglabas ng mga ‘memes’ ng video at nagbigay na ring ng mga negatibong komento ukol dito.
Partikular na pinuna ng mga netizens ang anila’y mababang kalidad ng produksyon ng video clip at ang mistulang propaganda na mensaheng hatid nito na nagpapatungkol sa kabutihang idudulot ng batas militar./
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.