Tatlong barangay na lamang sa Marawi City ang nagsisilbing stronghold ng Maute Group.
Ayon kay 1st Infantry Division spokesperson Capt. Jo-Ar Herrera, ito ngayon ang sentro ng clearing ops ng tropa ng pamahalaan.
Ang tatlong Bgy. na tinutukoy ni Herrera ay Barangay ng Bangolo, Rada Madaya at Bgy. Lidok.
Batay aniya sa kanilang monitoring, mayroon pang tatlumpu hanggang apatnapung miyembro ng Maute group sa tatlong naturang barangay.
Pero dahil sa walang tigil na clearing operations at airstrikes ay nagla-lie low na aniya ang mga ito at unti-unti nang tumatakas sa lugar
Ang iba naman iniiwan ang kanilang armas sa lugar at humahalo sa mga sibilyan.
Upang hindi naman mahirapan ang mga awtoridad na matukoy kung sino ang totoong sibilyan at terorista mahigpit ang kanilang ipinatutupad na security measures kabilang na isa isang pagkapkap sa mga sibilyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.