Makalipas ang pitong oras tinapos na ng Committee of the Whole ang pagdinig kaugnay sa deklarasyon ng Batas Militar ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Matapos marinig ang paliwanag ng mga inimbitahang mga resource persons mula sa executive department, inaprubahan ng komite ang isang resolusyon na sumusuporta upang hindi bawiin ang martial law declaration ng pangulo.
Hindi naman kumbinsido sa paliwanag ng mga inimbitahan ang Makabayan bloc sa Kamara.
Sinabi ni ACT Teacher’s Rep. Antonio Tinio na base sa iniulat sa kanila wala namang rebelyon na naganap Marawi para magdeklara ng batas militar.
Sa ambush interview naman kay National Security Adviser Hermogenes Esperon sa Kamara sinabi nito na hindi niya alam kung sino ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte upang magdeklara ng martial law.
Gayunman, sinabi nito na noong nagkaroon ng Davao bombing ay inirekomenda na nila ang pagkakaroon ng batas militar pero hindi sumunod ang pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.