Imbestigasyon sa umano’y mga anomalya sa Makati, ‘nakakasira’ na sa Senado-Enrile

Inquirer file photo

Sinisira na ng Senate Blue Ribbon Subcommittee ang sariling ‘steam at value’ nito dahil sa napakahabang imbestigasyon sa umanoy mga anomalya na kinasasangkutan ni Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay senate minority leader Juan Ponce Enrile, ‘unusual’ na ang dalawamput apat na beses na pagsasagawa ng hearing.

Nakapagtataka aniya dahil ang inihaing resolusyon ay kaugnay lamang sa overpriced na Makati City parking building subalit lumawak na ng husto ang imbestigasyon.

‘Self-destructing’ na aniya ito at magiging ‘irrelevant’ na ang imbestigasyon kapag pinahaba pa ito lalo ng senado.

Gayunman, naniniwala si Enrile na responsable naman na mga senador sina Koko Pimentel, Antonio Trillanes IV at Alan Peter Cayetano at alam ng mga ito kung ano ang makabubuti para sa senado.

Samantala, tatlong beses na bumisita si Interior Secretary Mar Roxas kay Enrile sa PNP General Hospital sa Camp Crame noong ito’y nakadetain pa sa naturang pagamutan.

Gayunman, tumanggi naman ang senador na sabihin kung ano ang laman ng kanilang naging mga pag uusap.

Bukod kay Roxas, madalas rin aniyang bumisita sa kanya si dating Pangulong Fidel Ramos. / Chona Yu

 

 

Read more...