Tiwala si National Security Adviser Hermogenes Esperon na matatapos na sa loob ng dalawang linggo ang krisis sa Marawi City.
Sa ambush interview sa Kamara, sinabi ni Esperon na kung Maute Group lamang naman ay sa kanilang tatapusin ang sigalot sa loob ng isa hanggang dalawang linggo.
Sinabi nito na hindi lamang naman Maute ang kalaban ng pamahalaan sa ngayon sa Marawi City kundi maging ang Abu Sayyaf Group at Bangsamoro Islamic Freedom Fighter.
Mayroon pa anyang tatlong tulay na kailangang bawiin ng gobyerno sa Marawi City bago makarating sa pinaka- sentro kung saan nasaan ang puwersa ng Maute group.
Sa tanong naman kung kailangan pang palawigin ang 60-araw na martial law declaration ay sinabi ni Esperon bahala na ang Kongreso dito.
MOST READ
LATEST STORIES