Chelsea Clinton binuweltahan ni Duterte sa rape joke

By Den Macaranas May 31, 2017 - 05:02 PM

Galit na binuweltahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga bumatikos kaugnay sa kanyang “rape joke”.

Sa kanyang talumpati sa 119th founding anniversary ng Philippine Navy sa Sasa Wharf sa Davao City, sinabi ng pangulo na hindi siya joker kundi sarcastic.

“Binubugbog niyo ako sa criticism, insultohin ko rin kayo…. Americans do nothing but rape in the Philippines”, sabi ng pangulo.

Partikular niyang binatikos ang naging pagpuna sa kanya ng dating presidential daughter na si Chelsea Clinton.

Ipina-alala ng pangulo ang sex scandal na kinasangkutan ng ama ni Chelsea na si dating U.S President Bill Clinton na sinasabing nakasiping sa mismong loob ng oval office ang dating White House intern na si Monical Lewinski.

Nakatikim rin ng sermon mula sa pangulo ang mga kaanak ng ilang mga biktima ng panggagahasa ng ilang mga U.S servicemen sa bansa na umano’y nagpa-areglo kapalit ng pera ng U.S visa.

Tinawag rin niyang ipokrito ang kanyang mga kritiko na karamihan umano ay namumuhay rin sa likod ng maraming mga kasalanan at pagkakamali.

TAGS: bill clinton, chelsea clinton, duterte, monical lewinski, rape joke, bill clinton, chelsea clinton, duterte, monical lewinski, rape joke

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.