Pagsisimula ng klase sa Lanao del Sur iuurong ng DepEd
Posibleng abutin pa sa ikalawa o ikatlong linggo na ng susunod na ng buwan ng Hunyo magbubukas ang mga klase sa Marawi City at ilang bahagi ng Lanao del Sur.
Ito ang inanunsiyo ni Education Sec. Leonor Briones matapos ang pakikipagpulong niya sa mga opisyal ng DepEd sa Mindanao at napagpasyahan na iurong ang muling pagbubukas ng mga klase dahil sa gulo sa Marawi City.
Giit ni Briones, ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante maging ng kanilang mga kawani.
Paglilinaw naman ni Briones na magsasagawa na lang ng make-up classes kapag bumalik na sa normal ang sitwasyon sa lalawigan.
Sa ngayon ay sinabi ng kalihim na dapat tiyaking ligtas ang mga mag-aaral at mga guro bago simulan ang pasok sa nasabing mga lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.