Duterte, kinansela na ang official visit sa Japan

By Mariel Cruz May 31, 2017 - 12:06 PM

Inquirer file photo

Pormal nang kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang nakatakdang pagbisita sa Japan sa June 5 hanggang 6.

Ayon kay Presidential spokesperson Ernesto Abella, ito ay para mapagtuunan ng pansin ng pangulo ang krisis na kinakaharap ngayon sa Marawi City dahil sa Maute group.

Naipagbigay alam na aniya ng Department of Foreign Affairs ang kanilang Japanese counterpart na hindi na makadadalo si Duterte sa 23rd Nikkei International Conference on the Future of Asia.

Sinabi ni Abella na kailangan ng Marawi City ang buong oras at atensyon ng pangulo kaya’t mas pinili ni Duterte na hindi na ituloy ang pagbisita sa Japan.

Nagkasundo na din aniya ang dalawang panig na ire-reschedule nalang sa hinaharap ang Japan visit ng pangulo.

Sa ngayon, ani Abella, patuloy na nag-uusap ang DFA at kanilang Japanese counterpart ukol sa naturang usapin.

Matatandaang pinutol naman ni Duterte ang kanyang official visit sa Russia noong nakaraang linggo dahil pa rin sa bakbakan sa Marawi na nag-iwan na ng mahigit isandaan na nasawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.