Militar, gumagamit na ng kanyon laban sa Maute sa Marawi City

Bukod sa pagpapakawala ng mga air strike, gumagamit na ngayon ng Militar ng cannons o kanyon sa pakikipaglaban sa Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, kinailangan nila gumamit ng kanyon para tuluyan nang mawasakan ang bakbakan laban sa Maute na mahigit isang linggo nang nagaganap sa Marawi.

Karaniwang ginagamit ang kanyon sa mga operasyon ng militar sa bundok at gubat, pero dahil sa lumalalang kaguluhan sa Marawi, kinailangan na itong gawin.

Isang hamon aniya sa kakayahan ng AFP na tumugon sa problema sa seguridad, ang pakikipaglaban sa ISIS-inspired Maute.

Lalo pa aniya na naglagay ng mga sniper ang teroristang grupo sa iba’t ibang lugar sa lungsod.

Kasabay nito, sinabi ng AFP na pinag-tutuunan nila ng pansin ang pagbawi sa 20 porsyento ng Marawi na hanggang ngayon ay hawak pa ng Maute group.

Umabot na aniya sa halos 900 na sibilyan na na-trap sa bakbakan ang kanilang nai-rescue.

Read more...