AFP sa Maute: Susuko o mamamatay?

By Kabie Aenlle May 31, 2017 - 04:51 AM

Pinapili na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang teroristang Maute Group, kung nais pa ba nilang mabuhay sa pamamagitan ng pag-suko, o mamatay na lang sa pakikipagbakbakan.

Ayon kasi kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ang hindi pagsuko ng mga terorista ay mangangahulugan na ng “sure death” para sa kanila.

Muli naman niyang tiniyak na malapit na nilang tuluyang mabawi sa mga terorista ang Marawi City.

Gayunman, nananawagan lang sila sa mga terorista ng pagsuko upang aniya ay mabilis nang matapos ang paghihirap ng publiko at huwag nang madagdagan pa ang mga pinsalang dulot ng bakbakan.

Una nang sinabi ng AFP na kontrolado na nila ang sitwasyon sa Marawi, dahil kontrolado aniya nila kung sino ang mga lumalabas at pumapasok sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.