Maute group, matagal nang plano ang panggugulo sa Marawi ngayong Ramadan-Año

By Jay Dones May 31, 2017 - 04:25 AM

 

Bago pa man ang bakbakan ng militar at Maute terror group, ay matagal nang plano ng naturang grupo na maghasik ng gulo sa Marawi City sa panahon ng Ramadan.

Sa panayam ng Associated Press (AP) kay AFP Chief, Gen. Eduadro Año, sinabi nitong sadyang nais ng Maute group na maiparating na may sangay na ng Islamic State (IS) sa Pilipinas.

Ito aniya ang dahilan kaya’t naging handa ang Maute group nang tangkain ng militar na dakpin ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon na noo’y namataan sa Marawi City.

Gayunman, giit ni Año, ilang sandali na lamang ay kanila nang malilinis ang lungsod ng mga miyembro ng Maute.

Samantala, sa isang report na inilabas ng Institute for Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Jakarta, Indonesia noong nakaraang taon, nagbabala ang ilang eksperto sa posibilidad na magsilbing ‘stronghold’ ng Islamic State ang Mindanao.

Ito ay matapos na humina ang puwersa ng Islamic State sa Syria at Iraq dahil sa ilang taon nang pakikidigma sa Allied forces na pinangungunahan ng Amerika.

Ayon sa mga eksperto, posibleng maghanap ng ibang mapagtataguan ang mga Southeast Asian fighters na tumatakas mula sa Middle East, at isa sa mga lugar na posibleng kanilang takbuhan ay ang Mindanao.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.