Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysiocal and Astronomical Services Administration o PAGASA, ang pagsisimula ng panahon ng tag-ulan.
Sa pahayag na inilabas ng PAGASA, nakumpirma nila ito matapos ang malawakang pag-ulan na naitala at na-monitor sa kanilang mga stations sa nagdaang limang araw, sa ilalim ng Type 1 Climate.
Ipinaalala naman ng PAGASA na patuloy na mararanasan ang mga pag-ulan at pag-kulog na may kasamang habagat sa Metro Manila at kanlurang bahagi ng bansa.
Mas magiging madalas naman anila na makakaranas ng “above normal rainfall conditions” ang malaking bahagi ng bansa sa loob ng susunod na dalawang buwan, mula Hunyo hanggang Hulyo.
Gayunman, magkakaroon din ng mga pagkakataon na mapuputol ang pag-uulan na tatagal ng ilang araw hanggang linggo dahil naman sa ridge of high pressure area sa North Pacific.
Inaabisuhan rin nila ang publiko at mga ahensya ng pamahalaan na gawin ang mga kinakailangang paghahanda para sa epekto ng tag-ulan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.