Pagkakaroon ng mga foreign terrorists sa Marawi City kinumpirma sa Senado

By Ruel Perez May 30, 2017 - 07:44 PM

Kinumpirma ni Senador Cynthia Villar na may kasamang foreigner ang Maute terror group na ngayon ay nagdudulot ng tensyon sa lunsod ng Marawi.

Ayon kay Senador Villar, inamin ito ng mga security officials sa isinagawang briefing hinggil sa martial law sa Mindanao.

Ipinatawag ng senado ang mga opisyal ng Defense department, AFP at National Security Adviser para sa isang briefing ukol sa martial law.

Ayon pa kay Villar, napilitan na ring magdeklara ng martial law ang administrasyon dahil sa umanoy maraming mga symphatizers ng teroristang grupong Maute.

Bukod umano sa mga civilian, mga foreign nationals, maaring may mga lokal na opisyal din ang sumusuporta sa Maute terror group.

Naniniwala ang senadora na imposibleng hindi agad malaman ng mga barangay officials na may mga ibang tao sa kanilang lugar kaya’t nakapagtataka aniyang na hindi ito napigilan sa nasabing level pa lamang.

TAGS: DND, Martial Law, Maute, Senate, Villar, DND, Martial Law, Maute, Senate, Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.