Emergency repair sa international runway ng NAIA tapos na

By Den Macaranas May 30, 2017 - 07:31 PM

Pasado alas-kwatro ng hapon kanina ay nagawa na ang bahagi ng natuklap na aspalto sa international runway ng Ninoy Aquino International Airport.

Ipinaliwanag ni Manila International Airport Autority General Manager Ed Monreal na isinara ang nasabing runway ala-una ng tanghali kanina.

Kinakailangan umano nila itong gawin para na rin sa kaligtasan ng mga pasahero ng mga international airlines.

Umabot sa kabuuang 34 na international flights ang naapektuhan ng runway repair kung saan karamihan sa mga ito ay na-divert sa Clark International Airport sa Pampanga.

Humingi ng pang-unawa sa publiko si Monreal kasabay ng pagsasabing hindi dapat makompromiso ang kaligtasan ng publiko.

Para sa mga may tanong kaugnay sa mga delayed na international flights, pinapayuhan ng MIAA ang publiko na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa telepono bilang 877-11109 o sa kanilang hotline number na ‎877-8888 loc 8144.

TAGS: Ed Monreal, MIAA, NAIA, runway repair, Ed Monreal, MIAA, NAIA, runway repair

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.