Oposisyon handang magpasaklolo sa SC kaugnay sa martial law sa Mindanao
Pinag-aaralan na ngayon ng tinaguriang Magnificent 7 sa Kamara ang pagkwestyon sa Supreme Court sa deklarasyon ng Batas Militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, magiging laman ng kanilang petisyon ang basehan ng martial law declaration dahil malinaw naman anyang walang rebelyon bagkus ay act of terorrism ang meron.
Ito ayon kay lagman ay hindi maituturing na invasion o rebelyon na basehan para magdeklara ng martial law.
Tahasang paglabag din anya sa itinatadhana ng Saligang Batas ang hindi pagcoconvene ng Kamara at Senado para sa isang joint session.
Wala namang planong maghain ng resoslusyon ang Magnificent 7 sa Kamara upang magkaroon ng joint session dahil sigurado daw na ibabasura lamang ito ng mayorya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.