Kaanak ng ilang Maute group members minomonitor ng NCRPO

Inquirer file photo

Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde na nasa Metro Manila na ang mga kaanak ng ilang kasapi sa Maute terror group.

Sa security briefing sa Kamara sinabi ni Albayalde na wala naman silang nakukuhang impormasyon na may masamang plano sa Metro Manila.

Sa ngayon, sinabi ng opisyal na nasa full alert status sila bagaman nasa moderate level lamang ang threat sa Metro Manila kumpara sa high level noong nakaraang taon.

Iginiit ng opisyal na wala rin mamang direktang banta ang mga teroristang grupo sa National Capital Region.

Sinabi ni Albayalde na aktibo rin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa intelligence community upang hindi malusutan ng mga terorista.

Halos dalawang daang checkpoint din anya ang nakakalat sa buong Metro Manila simula ng magsimula ang giyera sa laban sa Maute Terror group.

Read more...