Peace talks, tuloy pa rin sa kabila ng pag-boycott sa ika-limang round

By Mariel Cruz May 30, 2017 - 08:57 AM

Tuloy pa rin ang pagsusulong sa usapan pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines sa kabila ng pag-boycott sa ika-limang round noong nakaraang Linggo.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, ang ginawang pag-withdraw sa ika-limang round ng usapan ay hindi nangangahulugan na pormal na pag-atras sa peace process na sinimulan noon pang August 2016.

Nabatid na nagkasundo ang dalawang panig na magpulong sa darating na Lunes para matalakay ang pagpapatuloy ng negosasyon.

Sinabi naman ni Elisabeth Slattum, special envoy sa Norway, na hindi kanselado ang peace talks at nananatiling ‘intact’ ang peace process.

Dahil sa utos ng Communist Party of the Philippines sa kanilang mga tauhan na atakihin ang tropa ng gobyerno, inanunsiyo ni Dureza ang direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hindi pagdalo ng pamahalaan sa latest na round ng peace talks.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.