BFP, pinabibili na lang ng COA ng mga bagong truck ng bumbero

By Alvin Barcelona May 30, 2017 - 04:27 AM

Pinagbawalan na ng Commission on Audit (COA) ang Bureau of Fire Protection (BFP) na magkumpuni ng mga luma nitong truck ng bumbero.

Sa halip, inutusan nito ang BFP na bumili na lamang ng mga bagong fire truck.

Sa tatlong pahinang desisyon ng COA, tinanggihan nito ang hiling ng BFP na dagdag na pondo para sa repair ng mga non- operational nitong gamit.

Base sa imbentaryo ng COA noong 2014, lumabas na 112 sa 124 nitong sasakyan ay wala nang pagasa at ang pagpapagawa dito ay pag-aaksaya lamang ng pera dahil masisira din naman agad.

Nagkaisa si COA Chairman Michael Aguinaldo pati sina commissioners Jose Fabia at Isabel Agito na dapat nang itigil ng BFP ang hindi praktikal na pag-aaksaya ng pera sa mga kakaragkarag nitong mga sasakyan

Iginiit pa ng COA na dapat itigil na ng The BFP ang mga pansamantalang remedyo lalot ang mga kinumpuning mga sasakyan ay hindi kasing ligtas ng mga bagong sasakyan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.