Alok ng MNLF na tulong kontra Maute, tinanggap na ni Duterte

By Kabie Aenlle May 30, 2017 - 03:35 AM

INQUIRER file photo

Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ng Moro National Liberation Front (MNLF) na 5,000 tauhan para tumulong sa pagsugpo sa Maute Group.

Ayon kay Pangulong Duterte, sa liham na ipinadala sa kaniya ni MNLF chief Nur Misuari, 5,000 sa kaniyang mga tauhan ang handa niyang patulungin sa operasyon ng pamahalaan.

Ayon pa kay Misuari, ito na ang kaniyang pagkakataon para mapatunayan ang kaniyang kahandaan na makipagtulungan sa gobyerno.

Sa ganitong paraan ay maipapakita niya rin aniya na handa siyang tumulong sa pangulo at sa publiko na maibalik ang kapayapaan at kaayusan sa Mindanao.

Una na ring umapela si Duterte ng tulong mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at New People’s Army (NPA) para labanan ang terorismo sa timog bahagi ng bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.