2 rebeldeng NPA patay sa bakbakan sa Davao del Sur

By Kabie Aenlle May 30, 2017 - 03:26 AM

Dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ang nasawi, habang sugatan naman ang isang sundalo matapos ang isang engkwentro sa liblib na lugar sa Matanao, Davao del Sur kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Marion Angcao, commanding officer ng 73rd Infantry Battalion, naganap ang bakbakan sa Sitio Datal Pitak sa Barangay Colonsabak na tumagal ng 40 minuto.

Nakilala ang nasugatang sundalo na si Corporal Lavinder John Abantes.

Ayon pa kay Angcao, dalawang Huey helicopters ang nagbigay pa ng air support sa mga ground troops, dahilan para umatras din ang mga rebelde.

Bukod sa mga bangkay ng mga rebelde, nakumpiska rin ng mga militar ang isang M14 rifle at isang M4 bushmaster rifle.

Dinala sa isang punerarya sa bayan ng Bansalan ang bangkay ng mga rebelde matapos dalhin sa Matanao police station.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.