Mga oil companies may price increase bukas

Magpapatupad ng panibagong oil price increase ang mga kumpanya ng langis bukas, araw ng Martes.

Nag-anunsyo na ang Flying V ng magtataas ito ng P0.55 sentimos sa kada litro sa gasolina, P0.75 sentimos sa diesel at P0.85 sentimos sa kerosene epektibo alas-dose uno ng umaga bukas, May 30.

Simula naman alas-sais ng umaga ay kaparehong pagtataas din ang ipapatupad ng Eastern Petroleum, Jetti, Clean Fuel, Shell, Chevron, Petron at Phoenix Petroleum.

Ang nasabing pagtataas sa presyo ng produktong petrolyo ay ikatlong pagkakataon na sa loob ng nakalipas na tatlong linggo.

Samantala, sinabi naman ng Pilipinas Shell na hindi makakaapekto sa presyo ng produktong petrolyo ang halos ay dalawang buwang pagsasara ng kanilang refinery sa lalawigan ng Batangas.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa maintenance checkup na kanilang ginagawa sa kanilang pasilidad na nagsimula pa noong nakalipas na linggo.

Pansamantala munang mga imported na fuel products ang ibebenta ng mga Shell stations habang isinasailalim sa pagsasa-ayos ang kanilang mga refinery.

Read more...